Kung manggagaling ng Manila, sakay lang ng bus sa may Buendia at piliin ang may signboard na Lucena grand terminal or pwede ding Dalahican.
Pagdating ng bus ng lucena grand terminal, magpapababa sila ng pasahero dun tpos dederetso ng Dalahican pier.
Pwede ding bumaba sa SM lucena. Kung mismong SM bumaba, pwedeng lakarin ang papuntang:
1. San Isidro Parish. ( Kakaiba ang design ng simbahan kung saan katulad ng bus ang design kung titingnan sa malayuan. )
2. St. Ferdinand Cathedral. ( Isa sa pinakamatandang simbahan sa Lucena na itinayo noong March 1, 1881. Ito ang pinaka-kilalang simbahan sa lucena dahil nakatayo ito sa mismong sentro ng bayan. Madadaanan ito papuntang Perez Park. )
3. Lucena Perez Park. ( Ito ang sentro ng lucena kung saan dito din matatagpuan ang kapitolyo ng Lucena. Sa mga mahihilig sa street foods, madami kayong mabibili sa paligid ng park. Agaw pansin ang monumentong bato sa gitna ng park na my mukha ni Rizal na mapapansin mo lang sa malapitan pati 'yong mga dwarf na nyog na naka-disenyo sa park. )
4. Niyogyugan Festival. ( Ito ang festival sa Lucena na ginaganap tuwing buwan ng Agosto. Nag-uumpisa ito tuwing ika-16 ng Agosto kung saan my parada ng mga float mula sa ibat-ibang municipality ng Quezon. )
Sakay lang ulet ng bus mula grand terminal o sa may diversion pabalik ng Maynila.
No comments:
Post a Comment