According to the 2015 census, it has a population of 110K+. Gapan is known also as the "Footwear Capital of the North", and it is an inseparable part of the Rice Granary of the Philippines.
Ang sasakyan papuntang Gapan ay bus at ang terminal nito ay sa Cubao. Pagbaba ng bus stop along edsa, pwedeng lakarin na lang papunta sa terminal. Continuous ang byahe ng bus pero mas maganda kung maaga para iwas din sa traffic. Ang mga pwedeng pasyalan ay ang mga sumusunod:
1. Gapan Church. ( Ginawa ang simbahang ito noong 1856 to 1872 na mayroong Byzantine architecture na gawa sa bricks, adobe and lime. Ang simbahang ito ay ginawa through forced labor. )
2. Minalungao National Park. ( Pwedeng mag-swimming pero dapat my life vest kasi ni-rerequire ng park ang pagsuot ng vest for safety purposes. Merong nirerentahan sa mismong park. Pwede ding mag- rent ng balsa pra don nadin kumain after mag-swimming at mas maganda kung grupo para hati-hati sa bayad. )
3. Minalungao Caves. ( Mismong sa park matatagpuan ang cave. Kung gusto nyo ng trail merong mag-aassist na tour guide at kayo nadin bahalang magbigay ng bayad sa kanila. Meron ding walang trail pero maiksi lang ang daan at dapat my flashlight na dala kasi madilim sa loob,pwede din ang flashlight ng cellphone at dapat naka-rubber shoes.
4. Glass Cross. ( Sa park din mismo makikita pagkatawid ng foot bridge. Medyo malayo ang dapat lakarin papuntang glass cross. Bagay sya kung holy week kasi part nadin ng pagpi-pinitensya. Sementado yong daan paakyat at more or less 300 steps, di ko nadin kasi binilang isa-isa. Full filling naman kasi pagdating m sa taas magaan at masarap sa pakiramdam. Don din ang indaan sa inakyatan pababa sa park. )
No comments:
Post a Comment