Friday, 9 August 2019

Cagayan de Oro City, Misamis Oriental

One of the highly urbanized city in Northern Mindanao where its name refers to the peoples of being friendly and has a good city scapes where everyone find its lovely. One of the city in Misamis Oriental known also as the City of Golden Friendship. 

Katulad ng Davao, medyo may kalayuan ang Cagayan de Oro. Pwedeng mag-roro pero hindi ko ina-advice, saka hindi ko din naman kabisado.
Kung eroplano, ang ibo-book nyo sa on-line ay Manila to Cagayan de Oro.Iisa lang naman ang airport sa Cagayan, ang Laguindingan Airport.



Mula airport pwedeng mag-jeep or bus pero mas madali kapag van at wala pa sa 100 ang pamasahe sa van. Pagdating ng city proper may mga murang hotel na pwedeng i-book depende kung ilang araw kayo magtatagal. Pagkahanap ng hotel, makapag pahinga, makakain..pwede ng gumala. Dahil hapon nako nakarating ng Cagayan, una kung pinuntahan ang:

1. High Ridge. ( Literal na High talaga, kasi kapag andun kana sa taas, kita mo ang buong city ng Cagayan de oro. Hirap ung tricycle umakyat kya mas maganda kung mag habal-habal. Pwede din kayo magpa-antay sa habal-habal. Kausapin nyo na agad habang nasa byahe, mababait naman sila. )



2. Larry's Hill. (Next day, pumunta ako dito, matatagpuan sya sa Brgy. Indahag at medyo may kalayuan galing ng city, siguro mga kulang-kulang 2 oras walang traffic. Makikita mo dito ang mga lifesize na character sa transformer movies. Ang main activity nila ay pag-akyat sa spider web, may package at singles silang pwedeng pagpilian. Ako solve na sa picture2. )



3. Hugo Sky Lounge. ( Katabi lang sya ng Larry's Hill, kung saan pwedeng mag-swimming sa infinity pool at mag parasailing kaso mahal ang bayad. Meron din silang mini zoo sa mismong Lounge at instagramable ang views. ) 



4. Divine Mercy Shrine. ( Huli kong pinuntahan kasi malapit na sa airport at byahe ko nadin pabalik ng Manila. Medyo may kalayuan din mula city siguro dahil habal-habal padin ang sinakyan ko papunta doon. Napaka-solemn ng lugar, tahimik at the same time ang ganda ng lugar at miraculous. Maswerte ako dahil isa ako sa naka-witness non. Maganda din ang simbahan, 'yong ceiling, saludo ako sa nag-design at araw-araw mayroong healing mass. )



Dahil limited lang ang araw ng pagpunta ko doon, may mga lugar pa na pwedeng puntahan sa Cagayan gaya ng 7 Seas Waterpark & Resort, Mapawa Nature Park, Garden of Malasag Eco-Tourism Village, City Museum and Gaston Park at kung mahaba pa ang oras nyo pwede kayong pumunta ng Camiguin kasi malapit nalang mula sa CDO.

No comments:

Post a Comment