Thursday 22 August 2019

Lipa City, Batangas

Lipa City a 1st class city in the province of Batangas. The city is named after a species of tree in the Urticaceae family, lipa known for the stinging trichomes on its twigs.

Lipa City is a major recreational, religious, commercial and healthcare in the Province of Batangas. The city is the site of one of the most famous Marian apparition in the Philippines which is the 1948 apparition of the Virgin Mary as "Mary, Mediatrix of All-Grace." The apparition occurred on the Carmelite Monastery in Lipa.

Kung galing ng manila, sakay lang ng Bus sa my Buendia papuntang Batangas. Nire-recommend ko na mag-via toll way kasi mas mabilis ang byahe dahil walang traffic. Magpababa lang sa my diversion tapos sakay lang ng jeep papunta sa:

1. San Sebastian Cathedral. ( Kilala din sa tawag na Lipa Cathedral. Isa sa magandang disenyo ng simbahan sa batangas dahil sa mga painting nito sa bubongan. Malawak din ang loob ng simbahan. )




2. Cintai Coritos Garden. ( A Balinese inspired sanctuary. Sa gate pa lang makikita mo na agad ang magandang disenyo ng gate na katulad sa ibang bansa. Medyo may kamahalan nga lang ang presyo kung gustong mag-stay overnight. Meron din naman silang ino-offer na day tour at photo shoot package. Search nyo na lang sa google para makita ang pricing nila.  )


3. Shercon Resort. ( Matatagpuan ito sa mataas na kahoy, malapit lang ang resort sa my diversion at pwedeng mag-tricycle or jeep papunta sa resort. Medyo mahal din ang bayad sa mga cottages nila pero my offer din naman silang whole day tour at kasama doon ang pinagmamalaki nilang madaming swimming pool na iba-iba ang size. Mag-eenjoy ang family at tropa dahil maraming pool na mapag-pipilian sa loob ng resort at malawak ang loob ng resort.)


4. Marian Orchard. ( Pilgrimage place talaga ang lugar na ito na ang daan ay sa Marawoy dahil halos lahat ng disenyo sa loob ay about Catholic religion. Maganda ang lugar dahil presko ang hangin at solemn, pwedeng magnilay-nilay at pumunta lalo na kung mahal na araw. Meron itong station of the cross sa loob at mahaba ang lakaran, siguro dahil part nadin ito ng pagpi-penitensya.  )



Sakay lang ulet ng bus pabalik ng Maynila. Pwedeng mag-abang along the highway ng bus dahil tuloy-tuloy naman ang byahe ng mga bus pa Manila.

No comments:

Post a Comment