Green scenery, fresh air and warm smile..that was the three things I felt and experience in the City of Smile and the home of Mass Kara Festival.
Kung airplane ang sasakyan nyo mula Manila, ang ibo-book nyo sa on-line ticketing ay Manila to Bacolod City. Pwede ding mag-roro pero hindi ko kabisado sa byahe ng mga roro papuntang Ilo-ilo not unless mang-gagaling ng Cuyo Island kasi my direct na barko mula Cuyo to Ilo-ilo tapos Ilo-ilo to Bacolod. Kung gusto nyo ng detalyado, pwede namang i-google.
Pagdating ng Bacolod City airport sakay lang ng jeep o taxi pa city proper. Kung manggagaling naman ng Cuyo island mula Ilo-ilo pier, mag-fastcraft lang papuntang Bacolod, daily naman ang byahe doon.
Pagdating ng Bacolod pwedeng mag-jeep pro mas madali kung umarkila ng tricycle para sa whole day tour kung saan pwedeng puntahan ang:
1. The Ruins ( Ayon sa tour guide, gawa sa pinaghalong semento at egg white ang ginamit na materyales kaya hanggang ngayon hindi padin nasisira mula ng ipatayo ito. Ito rin ang setting ng teleseryeng Walang Hanggan kung saan bahagi ng kwento ay ang tubuhang madadaanan papunta sa mismong lugar.
2. The Capitol ( Isa sa magagandang disenyo ng kapitolyo dito sa ating bansa na maipagmamalaki. Kahit hindi ka mismong residente ng Bacolod, welcome ka na pumasok sa loob liban sa mga restricted area.)
3. Mass Kara Festival ( Taunang aktibidad na ginaganap sa Bacolod tuwing Oktubre, kung saan dinadaluhan ng taga ibat-ibang lugar para saksihan ang pinagmamalaki nilang street dancing )
Marami pang pwedeng pasyalan sa Bacolod kung mahaba pa ang time nyo para mamasyal gaya ng Campuestohan Highland Resort, Lakawon Island, Mambukal mountain Resort at iba pa.
Thanks for the info. its a big help...
ReplyDeletewelcome..
Delete