Tuesday, 6 August 2019

Legaspi City, Albay

Majestic..thats how the visitors called the perfect cone. One of the panoramic view in our country was found in the northern part of the Ph.

Speaking of the north, Legaspi City will be one of the city I am recommending to visit, the place where the Mayon Volcano was located and the so called the City of Fun and Adventure.

Kung eroplano ang gusto nyong sakyan, ang ibo-book nyo sa online ticketing ay Legaspi City. Kung gusto nyo ng bus, sa Cubao ang sakayan papuntang Albay. Medyo matagal nga lang ang byahe kapag sa bus, 8-9 hrs.ang byahe at madaming stop-over. Kapag summer mahaba ang pila sa terminal kaya dapat agahan ang pagpunta.

Kapag nasa Legaspi City na kayo, madaming hotel na pwedeng tuluyan. Mura lang din compared sa ibang lugar sa norte. Pwede nyo i-google para may pagpipilian kayo. Jeep lang o tricycle ang transportation para sa mga walang sariling sasakyan. Ang mga sumusunod na luagr na pwedeng puntahan at pasyalan ay:

1. Ligñon Hill. ( Ang lugar kung saan tanaw mo ng buo ang syudad at ang Bulkang Mayon, yon nga lang kailangang lakarin paakyat pro kung may budget meron silang habal-habal na pwedeng rentahan paakyat sa burol. Pero mas challenging kung maglalakad paakyat sa burol.


2. Cagsawa Ruins. ( Jeep o tricycle ang pwedeng sakyan papunta ng Cagsawa. Pwedeng kumain sa mismong park at madaming souvenir items na mabibili. Wag kalimutang tikman ang kanilang sili ice cream. Iba ang pakiramadam kapag nasa mismong ruins ka, para bang may itinatagong lungkot ang lugar kahit maraming tao na namamasyal.



3. Mayon ATV. ( Pagkagaling ng Cagsawa pwedeng dumiretso dito, kung masipag maglakad pwede syang lakarin kasi malapit sya sa ruins. Mag-eenjoy ka ng sobra kapag nasakyan mo ang ATV. Masarap at madali lng mag-drive. Sa una kailangang aralin, kapag marunong kana, deretso na sa trail. Mahal ang bayad pero depende sa trail na gusto mo, kapag malapitan lang kaya naman ng budget. Mas masaya kapag marami kayo.



4. Embarkadero. ( Sa gabi pwede kayong pumunta ng baywalk or embarkadero kung tawagin nila,maganda 'yong mga lights nila tapos my local band na tumutogtog at ang maganda libre. Pwede ding kumain, picture taking at bumili ng pasalubong kasi madami ding souvenir na tinda. May masarap na kainan sa di kalayuan ang Waways restauarant, eat all you can, sulit naman ang bayad at masarap menu nila. 



5. Cagraray Eco Park. ( Kapag mahaba 'yong time nyo at may budget, pwedeng puntahan ang Cagraray Eco Park na puro instagramable ang mga views, 'yon nga lang dapat my sasakyan, pwede ding commute via jeep pero hanggang bayan lang.  Mapalad lang kami kasi pinasabay kami ng may-ari ng sasakyan na napagtanungan namin, pero hindi ko recommended ang pag-commute. Kung talagang malaki ang budget, pwedeng mg-overnyt sa


6. Misibis Bay Resort. ( Hangang labas lang kami kami di kami pinayagang pumasok kahit magbabayad kasi kailangan ng booking. Nasa unahan lang ng konti ng Eco-park. My booking sila on-line, search nyo na lang.


No comments:

Post a Comment