One of the famous, the most known province here in our country especially during summer season were everyone looks for comfort and cool feeling.
Im talking about the province were Panagbenga Festival was held, the city of pine and the summer capital of the Philippines.
Sa mga magco-commute, bus lang sa Cubao ang pwedeng sakyan papuntang Baguio. Kapag peak season at nalalapit ang panagbenga festival, asahan na punuan ang mga bus kahit pa tuloy-tuloy ang byahe sa dami ng pasahero kaya kung hindi nakapag-pareserve, dapat agahan ang pagpunta sa terminal. Kadalasan gabi ang byahe para kinaumagahan andon na sa Baguio.
Pagdating ng Baguio terminal, meron sa information booth na nag-aalok ng mga hotel at transient na pwedeng tuluyan. Mas maganda kung grupo para hati-hati sa bayad at pinaka-mainam kung may kakilala kayo na pwedeng tuluyan.
Pwedeng mag-jeep sa mga lugar pasyalan pero dahil maraming tao at traffic sa ganitong panahon, ni-rerecommend ko na mag-taxi na lang lalo kung di naman magtatagal. Kapag kasi taxi ang sinakyan nyo, mapapadali ang byahe dahil alam ng driver yong mga shortcut sa mga lugar pasyalan.
Mga lugar na pwedeng puntahan batay sa iisang ruta ng daan:
1. Strawberry farm, Valley of colors, Bell Church
2. Burnham park, Mines view park, the Mansion
3. Our lady of lourdes grotto, Botanical garden, Tam-awan village
4. Session road, Kennon road view deck, Lion's head
5. Phil. Military Academy and museum,
6. Camp John Hay, Good Shepherd and Bencab Museum.
Sa gabi pwedeng mag night market kung saan pwede kayong makabili ng mga murang ukay-ukay, gamit at sapatos.
Pagbalik ng manila, taxi lang ulet papunta ng terminal kung saang terminal kayo bumaba pagdating nyo ng Baguio.
Bago ko makalimutan, dapat matikman nyo ang pinagmamalaki nilang strawberry taho, di ako kumakain ng taho pero nong maamoy ko, napabili ako at masarap naman talaga.
No comments:
Post a Comment