Safety is next to prosperity ang progress..
As traveler, we want to be safe while we are on our way to our destination especially the place where we are heading to.Of all the places I've visited, Davao City was one of the city in our country that I felt very safe. The hometown of the 16th president of our country and the home of our national bird - the Phil. Eagle.
Mas madali ang pagpunta ng Davao via Airplane kesa sa roro. Dahil mas mura ang pamasahe sa eroplano kapag madaling araw ang flight, mas maigi 'yon sa tulad kong backpacker traveler. Dahil madaling araw ang byahe, i-expect na mas mahaba ang travel time dahil kelangan pang tumambay ng eroplano sa himpapawid sa kadahilanang matataas ang mga bundok ng Davao at makapal ang fog kaya kailangan munang masigurado ng piloto ang kaligtasan ng mga pasahero..safety first ika nga!
Speaking ng safety, tahimik ang lugar ng Davao dahil siguro disiplinado ang mga tao ganundin ang mga namumuno. Ng ako ay pumunta ng Davao dati, si Pres. Duterte pa ang Mayor, nakita ko at na-experience ang katahimikan ng Davao City.
Pagdating nyo ng Davao, mula airport kailangang sumakay ng jeep o van papuntang city proper, ang last stop ng jeep ay sa City hall. Mula city hall pwede ng lakarin ang:
1. Museum at Peoples Park. ( Pwedeng tumambay, kumain at mag picture taking kasi magaganda ang mga statue ng park at my dancing fountain din sa gabi. Malapit lang din ang Museum at pwedeng lakarin galing ng park. Sa mahilig sa painting, madaming naka-display na painting sa loob na gawa ng mga sikat na artist.)
fountain area at day
at peoples park dome
museo dabawenyo
2. Eagle Center. ( Dapat maaga ang byahe kung nais pumunta sa Eagle Center dahil may kalayuan ang lugar. Magtanong lang kung saan ang sakayan ng habal-habal papunta doon. Dalawa lang ang pwedeng isakay ng isang habal-habal, kung grupo kayo, pwedeng mag-arkila ng van o di kaya'y multicab. Mahigit isang oras ang byahe papuntang Eagle center at medyo mainit kaya dapat magsuot ng jacket at sun glass. Iba-ibang klase ng agila ang makikita doon mula sa maliit hanggang sa pinakamalaki. Malawak ang farm kay dapat may energy kang baon. Pagbalik ganun din, sakay ulet ng habal-habal. )
3. Jack Ridge. ( Pwedeng pumunta ng baywalk sa hapon o gabi pero mas maganda ang tanawin sa Jack Ridge sa gabi kasi may mga ilaw at kita ang boung city ng Davao. Pwedeng mag-dinner kasama ang jowa o ang pamilya, medyo mahal nga lang ang mga foods. )
No comments:
Post a Comment