Tuesday, 30 July 2019

Vigan City, Ilocos Sur

One of the oldest city in the country found in Ilocos region where ancient architecture still preserve and stand still to showcase the rich culture of the city and being named as UNESCO world heritage city.

Kung mag-eeroplano, walang direct sa vigan. Ang airport na pipiliin nyo ay Manila to Laoag. Pagdating ng Laoag, mag-babus kayo papuntang vigan.

Kung magba-bus, ang sakayan papuntang vigan ay sa Cubao,marami po kayong pwedeng pamilian na bus doon, pero pag summer asahan nyo ang ang mahabang pila at agahan nyo ang pagpunta sa terminal.
Meron doong bus na may higaan medyo may kamahalan nga lang kesa nakaupo ka sa loob ng mhigit 8 oras na byahe. Pero kapag nakarating kayo ng vigan sa ganda nya, makakalimutan nyo lahat pagod sa byahe, promise.
Ang Vigan ang isa sa pinakamagandang lugar na napuntahan ko dito sa ating bansa na kakaiba ang hitsura dahil sa loob ng mahabang panahon ang mga architecture nila ay nanatili at patuloy na napi-preserve.
Kayang libutin ng isang araw ang mag pasyalan sa Vigan. Ang mga lugar na pwede nyong puntahan ay ang mga sumusunod:
1. Calle Crisologo

2. Baluarte Zoo

3. Vigan Museum

4. Pagburnayan Pottery

5. Dancing Fountain at Plaza Salcedo

6. Bantay Bell Tower and Church

Marami pang pwedeng pasyalan sa Vigan o karatig lugar ng Vigan kung meron pa kayong oras at panahon. pwedeng dumiretso ng Laoag, Paoay o Pagudpod.

Kung san kayo bumaba pagdating nyo ng Vigan, doon din kayo pwedeng sumakay, unless meron pa kayong ibang lugar na gustong puntahan. Enjoy your trip guys..

No comments:

Post a Comment