Monday 26 August 2019

Lucena City, Quezon

Lucena City is the second class urbanized city in Calabarzon region. Its the capital city of the Quezon province. It was known as the gateway of the south.

Kung manggagaling ng Manila, sakay lang ng bus sa may Buendia at piliin ang may signboard na Lucena grand terminal or pwede ding Dalahican.

Pagdating ng bus ng lucena grand terminal, magpapababa sila ng pasahero dun tpos dederetso ng Dalahican pier.


Pwede ding bumaba sa SM lucena. Kung mismong SM bumaba, pwedeng lakarin ang papuntang:

1. San Isidro Parish. ( Kakaiba ang design ng simbahan kung saan katulad ng bus ang design kung titingnan sa malayuan. )


2. St. Ferdinand Cathedral. ( Isa sa pinakamatandang simbahan sa Lucena na itinayo noong March 1, 1881. Ito ang pinaka-kilalang simbahan sa lucena dahil nakatayo ito sa mismong sentro ng bayan. Madadaanan ito papuntang Perez Park. )


3. Lucena Perez Park. ( Ito ang sentro ng lucena kung saan dito din matatagpuan ang kapitolyo ng Lucena. Sa mga mahihilig sa street foods, madami kayong mabibili sa paligid ng park. Agaw pansin ang monumentong bato sa gitna ng park na my mukha ni Rizal na mapapansin mo lang sa malapitan pati 'yong mga dwarf na nyog na naka-disenyo sa park. )


4. Niyogyugan Festival. ( Ito ang festival sa Lucena na ginaganap tuwing buwan ng Agosto. Nag-uumpisa ito tuwing ika-16 ng Agosto kung saan my parada ng mga float mula sa ibat-ibang municipality ng Quezon. )



Sakay lang ulet ng bus mula grand terminal o sa may diversion pabalik ng Maynila.




Thursday 22 August 2019

Lipa City, Batangas

Lipa City a 1st class city in the province of Batangas. The city is named after a species of tree in the Urticaceae family, lipa known for the stinging trichomes on its twigs.

Lipa City is a major recreational, religious, commercial and healthcare in the Province of Batangas. The city is the site of one of the most famous Marian apparition in the Philippines which is the 1948 apparition of the Virgin Mary as "Mary, Mediatrix of All-Grace." The apparition occurred on the Carmelite Monastery in Lipa.

Kung galing ng manila, sakay lang ng Bus sa my Buendia papuntang Batangas. Nire-recommend ko na mag-via toll way kasi mas mabilis ang byahe dahil walang traffic. Magpababa lang sa my diversion tapos sakay lang ng jeep papunta sa:

1. San Sebastian Cathedral. ( Kilala din sa tawag na Lipa Cathedral. Isa sa magandang disenyo ng simbahan sa batangas dahil sa mga painting nito sa bubongan. Malawak din ang loob ng simbahan. )




2. Cintai Coritos Garden. ( A Balinese inspired sanctuary. Sa gate pa lang makikita mo na agad ang magandang disenyo ng gate na katulad sa ibang bansa. Medyo may kamahalan nga lang ang presyo kung gustong mag-stay overnight. Meron din naman silang ino-offer na day tour at photo shoot package. Search nyo na lang sa google para makita ang pricing nila.  )


3. Shercon Resort. ( Matatagpuan ito sa mataas na kahoy, malapit lang ang resort sa my diversion at pwedeng mag-tricycle or jeep papunta sa resort. Medyo mahal din ang bayad sa mga cottages nila pero my offer din naman silang whole day tour at kasama doon ang pinagmamalaki nilang madaming swimming pool na iba-iba ang size. Mag-eenjoy ang family at tropa dahil maraming pool na mapag-pipilian sa loob ng resort at malawak ang loob ng resort.)


4. Marian Orchard. ( Pilgrimage place talaga ang lugar na ito na ang daan ay sa Marawoy dahil halos lahat ng disenyo sa loob ay about Catholic religion. Maganda ang lugar dahil presko ang hangin at solemn, pwedeng magnilay-nilay at pumunta lalo na kung mahal na araw. Meron itong station of the cross sa loob at mahaba ang lakaran, siguro dahil part nadin ito ng pagpi-penitensya.  )



Sakay lang ulet ng bus pabalik ng Maynila. Pwedeng mag-abang along the highway ng bus dahil tuloy-tuloy naman ang byahe ng mga bus pa Manila.

Saturday 17 August 2019

Tagaytay City, Cavite

One of the country's most popular tourist destinations because of its scenery and cooler climate provided by its high altitude is the city of Tagaytay. It one of the nearest travel destination in the country where Taal Lake was sighted closely up on the its highlands.

Based on legend Tagaytay word came from "taga" meaning to cut and "itay" which means father. A father and son were said to be on a wild boar hunt when the animal they were chasing turned and attacked them. As the boar charged towards the old man, the son cried "taga itay!". The boy's repeated shout reverberated in the alleys of the ridge. Heard by the residents, hunters and wood gatherers, the cries became subject of conversation for several days in the countryside. In time, the place where the shouts came from became known as Tagaytay.


Kung galing ng Manila, ang sakayan ng van papuntang tagaytay ay sa MOA. Pagdating ng Tagaytay ang babaan ay sa Olivarez. Pagkatapos pwede ng sumakay ng jeep o tricycle papunta sa:


1. Peoples Park in the Sky. ( Ito ang park sa taas ng burol. Dito mo matatanaw ng malapitan ang taal volcano at taal lake. Madami ding mabibiling pasalubong sa ibabang parte ng gusali at mapi-preskuhan ang mga bisita dahil malamig at presko ang hangin at maganda ng tanawin. ) 






2. Picnic Grove. ( Malapad ang area ng picnic grove at pwedeng mag-horseback riding, picnic at zipline. madami ding pasalubong ang mabibili dito. Dito din makakita ng nag-aarange ng tour or trek papuntang taal volcano kung saan sasakay ng bangka ang mga turista patawid sa Taal. )






3. Sky Ranch. ( Ito ang huling naitayo na lugar pasyalan sa tagaytay kung saan mag-eenjoy ang tropa at pmilya sa mga rides. Meron silang package at meron din namang individual rides na pwedeng pagpilian. Panalo ang view sa taas kung nakasakay sa ferris wheel dahil tanaw mo ang Manila. )




4. Ginger Bread House. ( Matagpuan ito sa Alfonso, iba ang daan papuntang Alfonso. kung mangagaling ng Pasay (Buendia), sakay lang ng bus byaheng Nasugbo, Batangas tapos mag-pababa sa Brgy.Upli. Sakay lang ng tricycle at sabihin sa driver ang Gingerbread house. Hindi naman aabot ng 100 ang bayad sa tricycle kasi malapit lang naman. )





Sakay lang ulet ng jeep pabalik ng Olivares at sumakay ng van o bus pabalik ng Manila. Hindi magastos ang mamasyal sa Tagaytay kasi malapit lang, 'yon nga lang dapat may baong energy kasi medyo malayo ang lalakarin sa pamamasyal.

Wednesday 14 August 2019

Antipolo City, Rizal

Antpolo City is a 1st class city and the capital of the province of Rizal. It is populous city in the Calabarzon region, and the seventh most-populous city in the Philippines. The city is popular for being a pilgrimage site. It prides itself as the "Pilgrimage Capital of the Philippines".

Jeep lang o van ang sasakyan papuntang Antipolo at wala pang isang oras sakay ng van o jeep mararating mo na ang lugar. Sa Cubao ang sakayan ng Antipolo at wala pa sa 50 pesos ang pamasahe sa jeep o van pero depende kung gaano kalayo ang iyong pupuntahan. kung bungad lang naman o gitnang parte wala pa sa isang daan ang pamasahe. Ang mga lugar na pwedeng puntahn any ang mga sumusunod:

1. Cloud 9 Resort. ( Maganda ang lugar dahil presko ang hangin at tanaw mo mula sa itaas ang kabuuan ng Maynila. Merong entrance fee kapag aakyat sa 360 view. Medyo nakakakaba ang pag-akyat sa footbridge pero ayos lang kasi my hand rail naman at sulit kasi ang ganda ng view sa taas.)




2.Mt Pamitinan. ( Perfect na lugar para sa mga mahilig ng hiking kasi mahaba ang trail at pagdating sa mismong end ng trail ang ganda ng tanawin. Kelangan lang ng lakas ng tuhod dahil mahaba ang lakaran pero kapag marami kayo at naku-kwentuhan hindi nyo nyo napapansin na malayo at mahaba na ang inyong nilalakad. Panalo ang view sa taas ng bundok ng dahil tanaw mo ang lambak at napaka-presko ng hangin )


3. Hinulugang Taktak. ( Magandang pumunta kapag summer dahil sa init ng panahon, masarap maligo sa talon para maibsan ang init ng panahon. Pwedeng magdala ng pagkain sa lugar at mas maganda kung my iihawin na isda o pork chop man lang kasama ang tropa o pamilya.)



4. Pinto Art Museum. ( Para sa mahilig sa art, mag-eenjoy kayong pagmasdan lahat ng painting sa museum na ito. May entrance na 200 pesos ang pagpasok sa loob ng museum. Malawak ang lugar ant ibat-iba ang makikita sa loob na halatang pinag-isipan at pinagkagastusan dahil sa ganda ng arrangement at view. Instaggrammable din ang ibat-ibang parte ng museum sa mahilig mag-picture picture. )


5. Alternergy Windfarm. ( Hindi na po eto part ng Antipolo, isinama ko na lang kasi part padin naman sya ng Rizal. Isa itong private area kung saan bawal pumasok ang hindi empleyado ng park, hanggang sa labas ng area ang mga bisita kasi delikado. Maswerte lang akong nakapasok sa loob at hindi nasita ng guard kasi merong mga naghaharvest ng pinya sa loob at sumabay lang ako, sabi nga kapag gusto may paraan. Hindi naman ako nagtagal sa loob kasi umulan na, picture-picture na lang. Meron area sa kabila kung saan doon mismo ang puntahan ng mga bisita na gustong i-witness ang farm.)



Madami pang lugar ang pwedeng puntahan sa Rizal at tip ko lang din, search nyo na agad sa google ang mga lugar na gusto nyong puntahan para may idea nadin kayo prior na pumasyal.

Monday 12 August 2019

Cebu City, Central Visayas

Cebu City is the main center of commerce, trade, education and industry in the Visayas. It is one of the most developed provinces in the Philippines and the second largest metropolitan area in our country and named as Queen City of the south.

Pwedeng sumakay ng barko o roro papuntang Cebu, 'yon nga lang hindi ko kabisado. Andyan naman si google para tumulong.

Kung eroplano naman, manila to cebu ang piliin sa on-line booking. Isa lang naman ang airport sa Cebu, Mactan International Airport. Mula airport, taxi nalang puntang city proper. Sa iisang compound pwede nyo ng lakarin at puntahan ang:



1. Basilica de Sto.Nino. ( Isa sa pinakamatandang simbahan sa Pilipinas . At dito matagpuan ang sto. niño na patron ng cebu at simbolo ng sine-celebrate nilang Sinulog festival ng mga Cebuano. Ginawa ito noong 1739~1740. )



2. Port San Pedro, Plaza Indepencia at Cebu City Hall (Magkakatabi lang ang Port san Pedro, sa gawing likod ang city hall at ang plaza kung saan meron ditong monumento ni Miguel Lopez de Legaspi at nakasulat doon ang istorya ng kanyang pamumuno.)






3. Magellan's Cross. (Maliit lang ang lugar nato pero punong-puno ng impormasyon at larawan ng paglalakbay ni Magellan sa Pilipinas.)



Kung gusto nyo ng pasalubong,lakad lang ng konti mula Magellan's Cross makikita nyo ang Island Souvenir Boutique.

4. Mactan Shrine. ( Taxi lang kayo papunta doon para hindi hassle ganon din ang pabalik. Medyo may kamahalan ang expenses sa Cebu kaya kailangan ng malaking budget depende kung gusto nyong mag-stay sa Cebu, pero kung hindi naman pwede kayong mag-fast craft papuntang Bohol kasi 1 hour lang naman ang travel time at convenient naman ang byahe.



Gapan City, Nueva Ecija

This city is a 4th class city in the province of Nueva Ecija, Philippines.



According to the 2015 census, it has a population of 110K+. Gapan is known also as the "Footwear Capital of the North", and it is an inseparable part of the Rice Granary of the Philippines.



Ang sasakyan papuntang Gapan ay bus at ang terminal nito ay sa Cubao. Pagbaba ng bus stop along edsa, pwedeng lakarin na lang papunta sa terminal. Continuous ang byahe ng bus pero mas maganda kung maaga para iwas din sa traffic. Ang mga pwedeng pasyalan ay ang mga sumusunod:



1. Gapan Church. ( Ginawa ang simbahang ito noong 1856 to 1872  na mayroong Byzantine architecture na gawa sa bricks, adobe and lime. Ang simbahang ito ay ginawa through forced labor. )



2. Minalungao National Park. ( Pwedeng mag-swimming pero dapat my life vest kasi ni-rerequire ng park ang pagsuot ng vest for safety purposes. Merong nirerentahan sa mismong park. Pwede ding mag- rent ng balsa pra don nadin kumain after mag-swimming at mas maganda kung grupo para hati-hati sa bayad. )





3. Minalungao Caves. ( Mismong sa park matatagpuan ang cave. Kung gusto nyo ng trail merong mag-aassist na tour guide at kayo nadin bahalang magbigay ng bayad sa kanila. Meron ding walang trail pero maiksi lang ang daan at dapat my flashlight na dala kasi madilim sa loob,pwede din ang flashlight ng cellphone at dapat naka-rubber shoes.



4. Glass Cross. ( Sa park din mismo makikita pagkatawid ng foot bridge. Medyo malayo ang dapat lakarin papuntang glass cross. Bagay sya kung holy week kasi part nadin ng pagpi-pinitensya. Sementado yong daan paakyat at more or less 300 steps, di ko nadin kasi binilang isa-isa. Full filling naman kasi pagdating m sa taas magaan at masarap sa pakiramdam. Don din ang indaan sa inakyatan pababa sa park. )



Saturday 10 August 2019

Olongapo City, Zambales

Olongapo City is a 1st class highly urbanized city in Central Luzon, Philippines. Located in the province of Zambales but governed independently from the province. Visitors are impressed as being one of the finest communities in the country. The city offers also a different jobs in manufacturing industries and recreational activities.

Ang sakayan ng bus papuntang Olongapo ay sa Monumento o di kaya sa Cubao depende kung san kayo komportableng sumakay. Kapag summer pila-pula din sa bus station kaya dapat maaga kayo.


Pagdating ng Olongapo pwedeng mag-bus ulet depende sa lugar na pupuntahan. Yong ibang pasyalan medyo may kalayuan, yong iba malapit lang din naman. Pwedeng puntahan ang:


1. Zoobic Safari. ( Dito pwedeng ma-encounter ang mga tiger habang sakay ng enclosed na sasakyan. Safe naman ang sasakyam kaya walang dapat ipangamba.)




2. Ocean Adventure. ( Kung sa Manila my ocean park, dito din naman. Yong mga attractions my kapariho din pero mas maganda dito kasi my dolphins at whale show, ito 'yong kanilang pambato at 100% kayong mag-eenjoy. )




3. Camayan Restaurant. ( Katabi lang sya ng Ocean Adventure. Medyo mahal ang mga pagkain kaya dapat may sapat na budget. Pwede ding mag check-in sa kanilang mga rooms at mag-swimming. meron silang floating waterpark amenities na pwedeng gamitin. )






4. Subic Baywalk. ( Maganda syang pasyalan sa hapon dahil maganda ang sunset. Meron din silang mga monuments na naglalaman ng history ng Subic simula nong WWII. )






5. Hanjin Co. ( Maraming empleyado ang hanjin at pagmamay-ari ng isang pamilya ng Koreano. Pagawaan ng barko at maganda din naman naman ang tanawin. Maswerte lang ako at nakapasok aq sa compound kasi don ang sakayan papuntang Olongapo. )



Sakay lang ulit ng bus pabalik ng Manila kung saan kayo bumaba.

Friday 9 August 2019

Cagayan de Oro City, Misamis Oriental

One of the highly urbanized city in Northern Mindanao where its name refers to the peoples of being friendly and has a good city scapes where everyone find its lovely. One of the city in Misamis Oriental known also as the City of Golden Friendship. 

Katulad ng Davao, medyo may kalayuan ang Cagayan de Oro. Pwedeng mag-roro pero hindi ko ina-advice, saka hindi ko din naman kabisado.
Kung eroplano, ang ibo-book nyo sa on-line ay Manila to Cagayan de Oro.Iisa lang naman ang airport sa Cagayan, ang Laguindingan Airport.



Mula airport pwedeng mag-jeep or bus pero mas madali kapag van at wala pa sa 100 ang pamasahe sa van. Pagdating ng city proper may mga murang hotel na pwedeng i-book depende kung ilang araw kayo magtatagal. Pagkahanap ng hotel, makapag pahinga, makakain..pwede ng gumala. Dahil hapon nako nakarating ng Cagayan, una kung pinuntahan ang:

1. High Ridge. ( Literal na High talaga, kasi kapag andun kana sa taas, kita mo ang buong city ng Cagayan de oro. Hirap ung tricycle umakyat kya mas maganda kung mag habal-habal. Pwede din kayo magpa-antay sa habal-habal. Kausapin nyo na agad habang nasa byahe, mababait naman sila. )



2. Larry's Hill. (Next day, pumunta ako dito, matatagpuan sya sa Brgy. Indahag at medyo may kalayuan galing ng city, siguro mga kulang-kulang 2 oras walang traffic. Makikita mo dito ang mga lifesize na character sa transformer movies. Ang main activity nila ay pag-akyat sa spider web, may package at singles silang pwedeng pagpilian. Ako solve na sa picture2. )



3. Hugo Sky Lounge. ( Katabi lang sya ng Larry's Hill, kung saan pwedeng mag-swimming sa infinity pool at mag parasailing kaso mahal ang bayad. Meron din silang mini zoo sa mismong Lounge at instagramable ang views. ) 



4. Divine Mercy Shrine. ( Huli kong pinuntahan kasi malapit na sa airport at byahe ko nadin pabalik ng Manila. Medyo may kalayuan din mula city siguro dahil habal-habal padin ang sinakyan ko papunta doon. Napaka-solemn ng lugar, tahimik at the same time ang ganda ng lugar at miraculous. Maswerte ako dahil isa ako sa naka-witness non. Maganda din ang simbahan, 'yong ceiling, saludo ako sa nag-design at araw-araw mayroong healing mass. )



Dahil limited lang ang araw ng pagpunta ko doon, may mga lugar pa na pwedeng puntahan sa Cagayan gaya ng 7 Seas Waterpark & Resort, Mapawa Nature Park, Garden of Malasag Eco-Tourism Village, City Museum and Gaston Park at kung mahaba pa ang oras nyo pwede kayong pumunta ng Camiguin kasi malapit nalang mula sa CDO.