This province in Visayas region has a unique beauty in terms of its ecological biodiversity. The place were Hershey's chocolates turns into multiple hills and the home of the smallest leaping primate -the tarsier.
Kung ang sasakyan nyo ay eroplano, ang ibo-book nyo sa on-line ay Manila to Tagbilaran City. Mula airport, sakay lang ng jeep puntang city proper at magtanong lang ng hotel na pwedeng tuluyan. Maraming hotel sa city proper depende sa budget, pero kapag summer, asahan na agad na punuan ang mga hotel kaya mas maganda kung magpapa-reserved na kaagad.
Kapag by sea, mas madali kung sa Cebu mismo manggagaling. Fast craft lang ang sasakyan na matagal na ang isang oras na byahe at comportable naman. Pagdating sa pier may mga van na agad na pwedeng arkilahin para magdala sa inyo sa hotel na tutuluyan at magdadala sa inyo kung saan nyo gustong pumunta. Mas maganda din kung grupo kayo para hati-hati sa bayad, makakatipid pa.
Mabait naman ang driver ng van at mismong sya ang magsisilbing tour guide sa mga pasahero nya sa mga lugar na pwedeng puntahan. Karaniwang pasyalan sa Bohol ang:
1. Chocolate Hills. ( Medyo may kalayuan ang byahe papunta doon at mataas ang aakyatin na burol pero sulit naman ang pagod dahil napakaganda ng tanawin sa taas kung saan matatanaw ang ibat-ibang laki ng mga burol.)
2. Mad-made Forest. ( Madadaanan ito papuntang Chocolate Hills, hili-hilira ang mga puno at presko ang hangin, medyo malamig lalo sa hapon. )
3. Tarsier and Wildlife Sanctuary. ( Dito pwedeng makita ng malapitan ang tarsier na may ibat-ibang laki. Bawal silang hawakan dahil sensitibo at sa gabi lang sila makikitang gumagala dahil tulog sila sa araw.)
4. Loboc River Floating Restauarnt. ( Sa gabi mas magandang puntahan ang Loboc River kung saan masarap sa pakiramdam habang sakay ng cruise at nagdi-dinner kasama ang kapatid, jowa o tropa habang nakikinig ng musika (live) at pinagmamasdan ang ibat-ibang kulay ng ilaw sa tabi ng ilog.
5. Loboc Church. ( Matatagpuan ito sa Baclayon at isa sa pinakamatandang simbahan sa Pilipinas. Isa ito sa historical Landmark na idineklara ng national historical commision ng ating bansa at isa ring national cultural treasure. 'Yon nga lang gumuho ito nong lumindol pero ni-rerehabilitate parin para maibalik sa dati.
Ang mga ibang lugar na pwede pang puntahan ay ang Hinagdanan Cave, Butterfly Conservation Center, Shiphaus, Punta Cruz Watch Tower, Jardin Necitas at Lumayag Sandbar.
No comments:
Post a Comment