Wednesday 14 August 2019

Antipolo City, Rizal

Antpolo City is a 1st class city and the capital of the province of Rizal. It is populous city in the Calabarzon region, and the seventh most-populous city in the Philippines. The city is popular for being a pilgrimage site. It prides itself as the "Pilgrimage Capital of the Philippines".

Jeep lang o van ang sasakyan papuntang Antipolo at wala pang isang oras sakay ng van o jeep mararating mo na ang lugar. Sa Cubao ang sakayan ng Antipolo at wala pa sa 50 pesos ang pamasahe sa jeep o van pero depende kung gaano kalayo ang iyong pupuntahan. kung bungad lang naman o gitnang parte wala pa sa isang daan ang pamasahe. Ang mga lugar na pwedeng puntahn any ang mga sumusunod:

1. Cloud 9 Resort. ( Maganda ang lugar dahil presko ang hangin at tanaw mo mula sa itaas ang kabuuan ng Maynila. Merong entrance fee kapag aakyat sa 360 view. Medyo nakakakaba ang pag-akyat sa footbridge pero ayos lang kasi my hand rail naman at sulit kasi ang ganda ng view sa taas.)




2.Mt Pamitinan. ( Perfect na lugar para sa mga mahilig ng hiking kasi mahaba ang trail at pagdating sa mismong end ng trail ang ganda ng tanawin. Kelangan lang ng lakas ng tuhod dahil mahaba ang lakaran pero kapag marami kayo at naku-kwentuhan hindi nyo nyo napapansin na malayo at mahaba na ang inyong nilalakad. Panalo ang view sa taas ng bundok ng dahil tanaw mo ang lambak at napaka-presko ng hangin )


3. Hinulugang Taktak. ( Magandang pumunta kapag summer dahil sa init ng panahon, masarap maligo sa talon para maibsan ang init ng panahon. Pwedeng magdala ng pagkain sa lugar at mas maganda kung my iihawin na isda o pork chop man lang kasama ang tropa o pamilya.)



4. Pinto Art Museum. ( Para sa mahilig sa art, mag-eenjoy kayong pagmasdan lahat ng painting sa museum na ito. May entrance na 200 pesos ang pagpasok sa loob ng museum. Malawak ang lugar ant ibat-iba ang makikita sa loob na halatang pinag-isipan at pinagkagastusan dahil sa ganda ng arrangement at view. Instaggrammable din ang ibat-ibang parte ng museum sa mahilig mag-picture picture. )


5. Alternergy Windfarm. ( Hindi na po eto part ng Antipolo, isinama ko na lang kasi part padin naman sya ng Rizal. Isa itong private area kung saan bawal pumasok ang hindi empleyado ng park, hanggang sa labas ng area ang mga bisita kasi delikado. Maswerte lang akong nakapasok sa loob at hindi nasita ng guard kasi merong mga naghaharvest ng pinya sa loob at sumabay lang ako, sabi nga kapag gusto may paraan. Hindi naman ako nagtagal sa loob kasi umulan na, picture-picture na lang. Meron area sa kabila kung saan doon mismo ang puntahan ng mga bisita na gustong i-witness ang farm.)



Madami pang lugar ang pwedeng puntahan sa Rizal at tip ko lang din, search nyo na agad sa google ang mga lugar na gusto nyong puntahan para may idea nadin kayo prior na pumasyal.

No comments:

Post a Comment