Monday, 29 July 2019

Puerto Princesa City, Palawan

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

For those who are willing to run after the summer season, Puerto Princesa City will be highly recommended. The city where fun and adventures never ends, the home of endemic peacock and the event organizer of Baragatan Festival.

Dalawa ang pwedeng pagpilian kung pupunta ng Puerto Princesa, by air or by sea. Kapag by sea mag-book lang sa on-line sa 2go travel at pwede ka ng pumili ng accommodation.
From pier sakay lng ng tricycle or multicab papunta sa city proper or kung sang hotel ka mag-
checheck-in.
Kapag by plane,pagdating ng airport,lakad lang ng konti papuntang high-way at sumakay ng multicab o tricycle papunta sa hotel. Kung gusto ng murang hotel, I suggest Garcellano inn sabihin lng sa tricycle or multicab, along rizal avenue lng naman.
After na makapag-pahinga, pwede ng mamasyal. Merong package na para sa city tour paki-check na lang on-line. Kung magco-commute, pwedeng puntahan ang mga sumusunod:

1. Baker's Hill at Mitra Ranch
Baker's Hill para sa mga naghahanap ng preskong lugar at instagrammable views kasama ang mga kaibigan at pamilya. 
Mitra Ranch para sa gustong maka-experience mag-horseback riding at zipline 

2. Crocodile Farm at Yamang Bukid
Crocodile Farm and Nature Park para sa mga gustong makakita ng live na bwaya at mga endemic specie ng Palawan gaya ng bear cat, peacock at iba pa. 
Yamang Bukid para sa gustong mag-relax at makalanghap ng sariwang hangin at tahimik na kapaligiran.

3. Baywalk at Marina de Bay
Baywalk para sa mga gustong mag-relax at makalanghap ng ocean breeze at sunset.
Marina de Bay
Kailangan ng tig-iisang araw ang mga susunod na lugar na pasyalan kasi my kalayuan at kailangan ang budget, pero sulit naman ang bayad.

1. Underground River ( kailangan ng booking a month prior the visit. Magpa-book lang on-line. Dati walang booking, pero dahil sikat na sa boung mundo marami ng turista ang bumibisita at mayroon ng limit ang bisita sa isang araw. Van ang sasakyan papuntang Sabang at mag-babangka papunta sa lugar.

2. Dos Palmas ( kailangan din ng booking at maganda kung grupo para hati-hati sa bayad. Van din ang sasakyan papuntang Sta. Lourdes at mag-babangka papunta sa island.

3. Claucar Beach ( walang booking pero mas maganda kung my service kasi medyo may katagalan ang pag-abang ng sasakyan pabalik sa city. Van ang sasakayan sa mula san jose terminal to roxas tapos jump- off lang sa resort along the high-way. Meron nading mga bagong develop na resort at waterpark bago dumating ng Claucar Resort. Mag-online na lang para mag-book. Kung ano ang sinakyan papuntang city proper, ganun din naman ang pabalik.

Sa mga gustong mag-tanong ng detailed itinerary, pm lang at willing naman akong ituro sa inyo kasi kabisado ko ang mga nabanggit sa taas.

2 comments:

  1. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  2. thank you for the info. hoping that someday I can visit this beautiful city.

    ReplyDelete