Sunday 1 September 2019

Malaybalay City, Bukidnon

Malaybalay City is the first class city and capital of the province of Bukidnon. It was formerly part of the province of Misamis Oriental as a municipal district in the late 19th century. It is located at the center of Mindanao, southern part of the ph. It is a landlocked province bounded on the north by the city of Cagayan de Oro, on the south by North Cotabato and Davao City, on the east by Agusan del Sur and Davao del Norte and Lanao del Norte on the west.

Mararating ang Malaybalay City sa pamamagitan ng pagsakay ng bus galing ng Cagayan de Oro through Laguindingan airport. Hindi ko kabisado and byahe ng roro from Manila to Malaybalay City, kaya ni-rerecomend ko ang byahe mula Laguindingan airport to Cagayan de Oro to Malaybalay City. Pagdating ng Malaybalay City, pwedeng puntahan ang:

1. Provincial Capitol. ( Simple lang ang disenyo ng kapitolyo ng Bukidnon ngunit maaliwalas ang paligid dahil maraming puno ang nakapaligid dito. Malawak din ang area ng kapitolyo kung iko-kumpara sa mga karatig lugar nito. )




2. Dahilayan Adventure Park. ( Ito ang isa sa pinakasikat na lugar pasyalan sa Bukidnon. Mararating ito direct from Cagayan de Oro sakay ng van o bus at habal-habal mula terminal ng van kung sa Camp Philips dadaan. Maraming outdoor activities gaya ng zipline, bungee jump at iba pa na pwedeng gawin sa park kasama ang tropa o pamilya at ang mga instagrammable views sa loob ng park. Malawak at maganda ang lokasyon dahil mataas at malamig ang klima kahit summer.)




3. Camp Philips. ( Isang residential area ang Camp Philips kung saan ang karamihan sa kabuhayan dito ay ang pagta-trabaho sa pineapple plantation at factory ng Del Monte. Malawak ang plantation ng pinya kung saan madadaanan ito papuntang Dahilayan at Forest park. Mabango ang samyo ng hangin kapag panahon o simula ng nahihinog ang mga pinya. Maganda ang view sa daan dahil hili-hilira ang mga tanim na mga pinya. )






4. Forest Park. ( Katabi ng Dahilayan park at outdoor activities din ang pwedeng gawin sa park. meron silang individual rides package pero mas maganda kung piliin ang package rides kasi makakatipid sa price compare sa individual rides. Maganda din ang view sa loob lalo kung nasa taas ng foot bridge. Medyo nakakalula pero safe naman dahil matibay ito. )





Same lang din ang pabalik ng Cagayan de Oro. Kung saan ka bumaba ng van o bus doon din din dapat sumakay.  

No comments:

Post a Comment