Thursday 5 September 2019

Calapan City, Oriental Mindoro

Calapan City is a 3rd class city and the capital of the province of Oriental MindoroThe city serves as the gateway to the Oriental Mindoro province with the implementation of the Strong Republic Nautical Highway (SRNH) an integrated ferry project of then President GMA that extends further to the southern part of the Philippines. The Calapan City Seaport is the largest and busiest seaport on Mindoro, which is just 45 minutes away by ferry boats and RORO ships to-and-from Batangas City Seaport.

Kung manggagaling ng Manila, sakay lang ng bus mula Cubao or Buendia na byaheng Batangas pier. Halos dalawang oras lang ang byahe sa normal na byahe. Pagdating ng Batangas pier, sumakay ng barko (Montenegro lines or Supercat) byaheng Calapan. Mas mabilis ang byahe kung sa Supercat kesa Montenegro at syempre mas mataas ang bayad. Pagdating ng Calapan City, pwedeng sumakay ng jeep o tricycle papuntang:

1. Sto. Niño Cathedral. ( Maganda at simple ang disenyo ng simbahan at panatag ang kalooban mo kapag nagsimba ka dito. 'Yong ambiance nya ay para kang nasa bukid. Gawa sa marmol ang altar nito at ang organ ay gawa pa sa kawayan.)


2. Calapan City Hall. ( Malawak ang city hall na ito at nagkakahalaga lang naman ng 2 milyon piso na ginastos sa paggawa nito. Maganda ang lokasyon ng city hall kung saan tanaw mo ang malawak na bukirin at napaka-presko ng hangin. Instragrammable din ang view ng city hall. )





3. Tamaraw Falls. ( Mula Calapan City, sakay lang ng jeep sa terminal papuntang Puerto Galera. Ang byahe ay tatlo hanggang limang oras. Madadaanan ang falls kapag malapit na sa Puerto Galera, sabihin lang sa driver na ibaba sa Tamarraw Falls. Pwedeng magdala ng pagkain sa resort at masarap mag-ihaw-ihaw. Napakalamig ng tubig kahit summer season kaya siguradong mapi-preskuhan kayo kapag nagbabad na sa pool. Maganda din ang tanawin at design ng resort.)



4. Silonay Mangrove Conservation Area. ( Para sa mga nature lovers, magandang puntahan ang lugar na ito kung saan presko din ang hangin mala sa bakawan. Pantay-pantay ang  taas ng bakawan na nagsisilbing santuaryo ng mga isda at lamang dagat. Isang magandang halimbawa ng pangangalaga sa kalikasan. )


Pagbalik ng Manila, sakay lang ulit ng barko papuntang Batangas pier o Pwedeng tumuloy ng Puerto Galera kung saan marami pang mga lugar pasyalan ng pwedeng puntahan at mag-relax.


No comments:

Post a Comment