San Fernando City is the capital of La Union. La Union is the Spanish term for "The Union" where the province is situated in the Ilocos Region occupying the northwestern section of Luzon.
La Union is the home of Dinengdeng Festival, a yearly festival in the city associated with the much-loved Ilocano culinary dish that is famous like pinakbet and bagnet. La Union is so called the surfing capital of the Northern Luzon. Of all the surfing hotspots, it is one of the most accessible that only 6~7 hours drive from Manila and one of the most tourism-ready, boasting a steadily growing number of resorts and restaurants.
Para sa mga magko-commute, ang sakayan ng bus papuntang La Union ay sa Cubao at halos kada oras mayroong byahe. Kapag summer season, punuan ang bus kaya dapat mas maaga kayo para sa oras ng nais nyong byahe. Madaming pwedeng tuluyan sa La Union, isa na dito ang Flotsam and Jetsam Hostel na mura ang bayad para sa mga katulad kong backpacker type of traveller.
Pagdating sa La Union partikular sa San Fernando, pwedeng pasyalan ang mga sumusunod:
1. Ma-cho Temple. (Isa itong taoist temple na nakaharap sa City kung saan ang taas nito nito ay 70 feet above sea level. Maganda ang lugar at tahimik kaya pinagbabawal ang maingay sa loob ng temple kasi isa itong lugar dalanginan. No worries kasi libre lang ang pumunta sa temple. Maganda ang view, perfect para sa instagrammable photos.)
2. Tangadan Falls. (Isa ito sa magandang pasyalan kapag summer dahil malamig ang tubig, tama para sa mainit na panahon at para sa preskong pakiramdam. Medyo malayo din ang trekking pero sulit naman ang pagod kapag nakita mo na ang falls na nag-anyaya sayo para magtampisaw. Dapat lang ay my guide para hindi maligaw at syempre need magbayad sa guide.)
3. Thunderbird Resort and Casino. (Isa sa magandang lugar pasyalan sa La Union at tinaguriang Santorini of the Ph. Dahil magandang lugar, expected na mahal ang bayad, yup, my entrance fee and at that time na pumunta kami 300php per head ang bayad pero kung may event sa loob na dadaluhan, deducted na 'yong entrance fee dun sa payment. Kapag papasok lang para mamasyal or magpi-picture taking, need same amount ng entrance fee ang babayaran. Sulit naman ang bayad kapag nakapasok ka na sa loob at maganda naman talaga ang view at overlooking pa sa dagat.)
4. Luna's Gems. (Mula san Fernando, sakay lang ng bus papuntang Luna at magpababa sa Balaoan plaza. Doon sa plaza itanong lang ang sakayan ng tricycle papuntang Luna, pwede ding sumabay sa tricycle na byaheng Luna. Pero kung nais mong may siguradong sasakyan pabalik, pwedeng arkilahin 'yong tricycle at di naman lampas 300 ang babayaran. Sulit naman ang bayad kasi tatlong lugar pasyalan ang mapupuntahan. Ito ay ang mga sumusunod:)
Kamay na Bato Art Gallery
Balay na Bato
5. Surfing at San Juan. (Isa sa sikat na lugar na dinarayo ng karamihan maging mga foreigner para mag-surfing ay ang bayan ng San Juan. Naging sikat ito maging sa iabng bansa dahil ito ang isa ito sa mga lugar na pinagdarausan ng surfing competition sa bansa liban sa Siargao. Dapat lang ay marunong kang lumangoy at mayroon kang budget para sa surfing lesson at 'yong willingness mo para matuto at para din hindi masayang ang ibinayad sa trainor. Masarap sa pakiramadam kapag natuto na para bang ayaw mo ng umalis sa dagat kahit gutom kana.)